Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 3

Saturday, June 10, 2006

Rex blogs: DAY 6: Updates Grande!

Hala, 5 days passed without an update from me. Pasensya na po, hectic ang schedule eh.

DAY 2: Hindi ako nakapag-online masyado kasi buong araw ako wala sa bahay. Me and a couple of friends went to SM City Clark and watched X-Men 3 (all of us for the second time). Belated birthday bash noong isa naming kasama kaya masarap ang lunch namin sa Gerry's Grill, hehe.

DAY 3-5: Puro enlistment days ito sa amin sa UP Diliman. Lumuwas ako ng Maynila kaya lalu akong hindi nakapag-online. Medyo ok na din, considering it's been a while since I last saw my school. It's good to be back, ika nga. Nakakatuwa nga eh, nagkalat ang mga freshie, hehe. Andami new faces! Well, yeah, considering that there are thousands of us at our Diliman campus, everybody is bound to be a new face. Hindi rin eh. Kahit madami kami sa campus, marami pa rin talagang familiar faces, especially kung common places ang tinatambayan ninyo.

Pero yun nga, the past 3 days, ay halos parang di ko na namumukhaan ang mga nakakasalubong ko. Haay, graduate na siguro sila. Samantalang ako ay hindi pa, hehe.

DAY 6: Finally, nakauwi din ng Pampanga! But I still haven't finished my enlistment. Grrr, hassle talaga ang enrollment sa Eng'g! Haay, para namang hindi pa ako nasanay, hehe. =p

Anyway, after 50 years, ay may post ulit ako sa main blog ko,
do check it out.. Mayroon din akong bagong ipopost sa aking diary sa pbbfg forums..

'Til next update!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home