Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 3

Friday, August 18, 2006

Charles blogs: Makasaysayan

Ang Kasaysayan ay pag-aaral ng mga pangyayari kahapon, ngayon at bukas. Hindi lahat ng pangyayari ay nakatala sa kasaysayan ng Mundo, o kahit ng Pilipinas, pero ang mga nangyayari sa ating mga buhay ay nakatala sa sarili nating kasaysayan.

Talaga namang makasaysayan ang linggong ito para sa akin dahil sa sobrang dami ng mga “first times”. At alam ko, lahat ng ito ay tatak sa aking sariling kasaysayan.

First time, makasaysayan, na may nagsabi sa akin na sobrang dami nilang natutunan sa akin, hindi lang sa loob ng classroom, ngunit bilang isang tao. Na-inspire ko daw sila na ipagpatuloy at magpursige ang kanilang pag-aaral. Napakasarap na makarinig ng mga ganitong salita, lalo na mula sa mga mag-aaral ko. Nabubuo ng mga salitang ito ang pagkatao ko, bilang isang guro at bilang isang nilalang.

First time, makasaysayan, na may nakasabay ako sa jeep na mga mandurukot. Pumunta kami sa SM City Sucat kanina, grabe ang kaba ko, nailabas ko pa ng aksidente yung P5000 na dala-dala ko na pambabayad ko sana ng Meralco. Hay, grabe!

First time, makasaysayan, na sinabihan ako na may katabi akong multo… Habang nagbabantay ako ng mga mag-aaral kong nagpeperiodical exam, tumili ang isa kong estudyante, tapos, sabi niya, may isang lalaki, naka-long sleeves na puti at walang ulo, nakatayo sa tabi ko. Shit! tumayo ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan nung sinabi sakin yun.

First time, makasaysayan, na may nakaperfect ng periodical examination sa klase ko! Congrats!

First time, makasaysayan, na nag-agawan kami sa baong Maggi Spaghetti ng classmate ko sa canteen na halos wala na kaming nakain dahil natapon din ang spaghetti! Hahaha, todo tawa kami sa canteen at pinagtitinginan kami ng mga tao dun, pero wala kaming pakielam sa kanila.

First time, makasaysayan, na nadamay kaming mga intern sa away ng mga teachers sa pinag-OJT namin. Nadamay kami sa kumakalat na tsismis na puro bastos daw ang mga teachers sa Social Science Department at mga interns daw ang nagsabi sa Department Head ng Social Science, kaya napagalitan daw sila… Grabe ang mga pangyayari… Kung may mga friction sa Social Science Faculty Room, wag nila kaming idamay, dahil pipi, bingi at bulag kami sa loob ng Faculty Room kapag nagtsitsismisan sila!

Grabe, yan ang mga nangyari sa amin nitong linggo ito! Talaga namang makasaysayan, pero hanggang sa susunod, tuloy tuloy pa din ang pagdaloy ng kasaysayan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home