Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 3

Wednesday, August 16, 2006

DAY SEVENTY-FOUR
Gee blogs: Wika... Ikaw...

Haha! Halata bang wala na akong maisip na pamagat?

Oo nga pala, bago ko ito simulan, nais kong ipaalam
sa inyo na ako ay kinakailangang magkaroon ng isang entri na tagalog, gawain namin ito sa PBBFG3. Hindi ko alam kung purong tagalog dapat, pero sige na nga, purong tagalog na...

Kanina, ang UP FLIPP ay nagkaroon ng "team building". Nakakainis dahil nahuli ako sa unang gawain... May klase kasi ako kaya humabol na lang ako. Hindi ko tuloy iyon naumpisahan... Kami ay gumawa ng sulat-kamay na bersyon ng JOHARI WINDOW (nanaman? hehe...) pero dalawa lamang ang kategorya nito: ang TINGIN MO SA IYONG SARILI at ang TINGIN SA IYO NG IBA. Sa papel na ibinigay sa amin, kailangan naming isulat ang aming buong pangalan, ang aming palayaw at ang isang pang-uri na nagsisimula sa letra ng aming pangalan na naglalarawan sa amin. Ito ang itsura ng aking papel:

Ayun! Kitang-kita ang kakapalan ng pagmumukha ko at GORGEOUS ang ipinanlarawan ko sa aking sarili. Ang akin lang naman kasi, diba ang ano ang kadalasang tingin mo sa iyong sarili ay iyon ang nagiging produkto ng lahat ng iyong pinaggagagawa sa buhay. Haha!

At natuwa naman ako dahil walang pangit na pang-uri ( o kung pang-uri man o insulto ang iba dun). Wala talaga eh. hehe... Maraming salamat sa pambobola! Ay meron pala, kiti-kiti daw ako... at yung JUDAY... hehe

Sa likod ng papel na iyon, pinagagawa kami ng anyo gamit ang ibat-ibang ibinigay na hugis... Para medyo mabawasan ang aking kahihiyan, gumawa na lang ako ng bersyon sa kompyuter... at ito yun:
Sa tingin ninyo, ano ito at paano ko ipinaliwanag ito? Basta bahay yan! Ang paliwanag na iyon ay natatangi lang sa mga taong nandoon! Pasensya nah! hahaha...

Hay, sayang, bwiset na ulan kasi yan at hindi natuloy ang isang magandang gawain na dapat ay gaganapin sa Sunken Garden... Kaya ang pinakahuling gawain ay may kinalaman sa KOMUNIKASYON at TALI.... napaka hirap ipaliwanag... ngunit....

Sa kabutihang palad ay nakakuha pa rin ako ng mga mensaheng kumurot sa aking puso (naks! Ang baduy talaga pag tagalog! haha)... Katulad na lamang ng mensahe ni KELVS ang aking BUDDY... akala ko talaga kasi noong una ay wala lang talaga siyang mapiling BUDDy kaya ako na lang, pero may dahilan pala... kasi marami akong alam tungkol sa _____... Biro lang! hehe... Kasi marami daw kaming pagkakapareho... na sa tingin ko ay, totoo ngah... hehe... Maraming salamat! Ang sumunod naman ay kay KAT... naiinis pala siya sa akin dati kasi kamukha ko daw yung Tita niyang naiinis din siya, pero nagkamali daw siya... kasi kyut daw pala ako... haha! Biro lang ulit... Sa totoo lang, naramdaman ko iyon dati... Ayos lang iyon at wala naman akong pakialam dun... haha! At ang panghuli ay iyong kay Joy na medyo madrama... Buti na lang hindi ako naiyak...

Ang mga binato ko naman ng tali ay sina HERSHEY, KELVS ulit at si JOY din... Sayang naman at wala na naman si Reishel... haha!

Ayun, nagdaan na naman ang isang hindi malilimutang pangyayari sa FLIPP. masarap palang gawin ang "team building". Sana nga lang ay mas madami ang makapunta sa susunod.... Sunod na ang Talents Night... Haha...
itigil na ito!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home