DAY SEVENTY-THREE
Ron blogs: 15 Pinoy TV Shows to hate or love
Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako magko comment sa mga Pinoy TV shows.. Maraming shows ang ABS CBN,GMA at ilang mga local TV stations pero iilan lang dun ang pinapanood ko.. Pero pag pinanood ko..hindi ibig sabihin na gusto ko na yung show..posibleng trip ko lang mang gago ng mga characters o host.. hehehe...So ilan lang ho tatalakayin ko(Hayyyyy parusa talaga tong activity na toh..Tagalog fever!!)..
1. U Can Dance---sheett sorry sa mga Kapamilya diyan ah..pero walang kabuhay buhay ang show na etoh. Mula sa dalawang ewan na hosts hanggang sa tatlong "timang" na mga judges.. "Ang galing!"..."Ok yung lifting"..."sino yung nagtitinda ng pandesal dito?"..."sino yung taga BIcol dito??".... mga judges' comments na kaiinisan talaga ng kahit na sinong "mapiling" reality TV show fans katulad ko.. P*t*n*g**a, nagwaldas lang pera ABS CBN for this dumb show.. Nanggaya na nga..pangit pa tinapat!! Hayyy...i don't think this show will last..
2.Sa Piling Mo---yeah right hanggang umpisa lang sila.. Aaminin ko nagandahan ako sa "umpisa" ng teleserye na ito pero ngayong patapos na(ngayong patapos pa ah)tsaka naman papangit ng pangit episodes gabi gabi. Katatapos lang ng eksena ah..pero may flashback na agad... I mean wala namang masama sa flashbacks eh pero wag namang kaagad agad uulitin yung eksena.. Parang isang minuto lang nakalipas..uulitin na agad... Grabe, wala na bang mga kaabang abang na eksena..Ubos na ba?
3.S Files-- Kung ikukumpara mo sa "The Buzz", walang wala ang S Files. Sino namang gaganahan sa isang entertainment-talk show na may apat na bigating hosts na puro naman hindi marunong mag interview?? Joey Marquez? Bakit sya pa for this kind of show?? Wala na bang credible host ang GMA?? Pia Guanio? Hands down..she's pretty and smart pero papayag ka bang kinakain ka na lang ng guest mo sa interview? Na dapat ikaw na host ang madada hindi ang guest. I mean she tries to be composed and professional pero it's not in place. Huwag sa ganitong klaseng show na puro intriga at tsismis pinag uusapan.. Richard Gomez? Hahaha.. Yun lang! Paolo Bediones, though is a good host. Pero gaya nga ni Pia..dapat you know how to take control of your interviews..
4. Captain Barbell--- ngayon ko lang nalaman na medyo matagal na pala tong show na to. Pano naman kasi ngayon ko lang ito pinanood.. Hehehe.. So ikaw na nakapanood ng Superman Returns, ano masasabi mo dito? Sisiw? Copycat? Huwag namang lantarang pangongokopya sa special effects ng Superman Returns.. Nakaka-inis na eh.. Imbes na maaaliw ka dito..parang hindi mo talaga mapipigilang maglipat ng istasyon.. Sorry Captain Barbell fans!
5.Teka Mona--- bagong bago pero sobrang nakakabagot! Hindi naman sa I hate Joey De Leon pero kaw ba namang makapanood ng iisang komedyante na puro dumb ang ginagawa.. It reached the point na hindi ka na talaga matatawa sa mga jokes ni joey and the rest of the gang. In fairness naman to Michael V..mas kaiga igaya syang panoorin.. Sana hindi inalis yung Wow Maling Mali, mas masaya yun eh..
Syempre kung may pangit, may maganda naman!! Eto yung mga shows na nagustuhan ko...
5. Rated K--sobrang informative and of course hosted by Ms.Korina Sanchez..it's something to really look forward to.
6.Nagmamahal Kapamilya--mangilan ngilan lang yung mga drama shows na talagang inaabangan ko. Isa lamang ito. Grabe, ang ganda.. Well-done yung storyline at interesting mga artista nila..
7.Maalaala Mo Kaya--syempre ang all-time favorite Pinoy drama show ko! Wala na akong masabi.. The host is unbeatable, the characters are powerful and the stories are really heartwarming! Ibang klase!
8.The Buzz--you can never emulate the hosting power of Kris, Boy and Cristy. Ibang klaseng kombinasyon to. Besides that, magagaling talaga hosts nila.. At pag may sneak peek or teaser ang show, putsa di mo maiiwisang macurious eh.. The best!
9.Salamat, Dok!--hands down..hinding hindi ko nakakaligtaang panoorin mga episodes nila.. Interesting at helpful!
10.ASAP 06--- wow dati to the max ang inis ko sa ASAP pero ngayong may mga "champions" na sila at mga spectacular numbers...unti unti ko ng nagiging favorite ang variety show nato.
11. Eat Bulaga--well, hanap mo ba'y pamparelax lang? yung tipong tawa ka lang ng tawa kahit wala ng sense yung tinatawanan mo.. Especially kung pagod na pagod ka sa work..eto ang show for you.. Vic, Gladys, Allan K... nakakatawa talaga sila!
12. Pinoy Meets World--I think ngayon lang nagkaroon ng show na ganito ah.. Ewan ko lang ah.. Pero this show is awesome.. Ang swerte nila Paolo at Miriam, ganyan yung trabahong hanap ko..yung you make docu for foreign countries.. Yikes, so interesting!!
13.K! The 1000000 Videoke Challenge--- of course, music and comedy at the same time! May hahanapin ka pa ba?
14. Ang Pinaka!--ilan lang pinapanood ko sa QTV at isa dito ang "Ang pinaka!". This is a Philippine TV breakthrough!! Surveys at trivias, andito lahat yan! Interesting talaga!
15.Philippine Idol-- so far, sa first 3 episodes nila, wala pa akong nakaligtaan... Parang it really makes me proud to be Pinoy. Go pinoy talents!!!
Hanggang dito na muna ah.. pagod na ako eh.. Basta, opinion ko lamang po lahat ng nandito.. Ang tamaan...wag magagalit! hehehe
0 Comments:
Post a Comment
<< Home