Ron blogs: 8 days of independence and resilience!
Yes, napakatagal ko pong hindi nakapagpost sa blog ko dahil sobrang dami ng nangyari sa nakaraang linggo at pati magInternet di ko na nagagawa. Well,bago ang lahat alam ko marami ang nagtataka kasi super Tagalog ng entry na ito. Hehehe.. Part ng strategy ko 'to to get more readers. Mukha kasing paboring ng paboring buhay ko kaya pati blog ko apektado na rin(LOLZ)..
Anyways, antagal po talaga! Una sa lahat, may bago na akong trabaho at syempre puro na lang kalakal ginagawa ko wala ng oras para magliwaliw.. Hahaha! As usual, sa isa na namang call center ako napadpad. But in fairness to my new company, mukhang maganda benefits nila. I'll see what happens talaga. Ngayon ko lang narealize na sobrang hirap ng buhay dito Maynila. Kaw ba namang tumira sa Baguio na bukod sa magandang klima eh affordable pa ang lifestyle. Sheeettt....eh dito parang stressed na stressed ako! Well mas maigi na nga yung ganito para matuto ako.. Napakalaking challenge talaga nito sakin. Nagpapaka-independent talaga ako ngayon. Sa trabaho naman, wala pa akong masyadong kaibigan pero mukhang okay naman silang lahat! Nasa training pa lang kami, so everything's going well pa naman. Sigurado pagdating ng panahon maglalabasan na mga totoong kulay ng mga yun...Hihihi..
Ano pa nga bang mga nangyari last week?? Uhmmmm,syempre nagkasakit ako.. Putsa...ilang linggo pa lang ako dito eh natrangkaso na agad ako. But then, it was raining hard these past few days kaya understandable naman. Pero muntik na nga akong hindi pumasa sa communications training namin dahil inuubo talaga ako. Hirap pa akong magsalita.. Buti na lang at napilit ko sarili ko to speak up!
Sobrang nahirapan talaga ako last 2 weeks. Una sa application ko sa bago kong trabaho.. Kahit naulan eh apply pa rin ako! It pays off naman kasi natanggap ako. Pero nagkasakit naman ako pero nakapasa pa rin ako sa first phase ng training namin.. Hayyyy.. What a roller coaster ride!!!!
At dumating na nga 20th birthday ko! Grabe, may work kami at hindi man lang ako nakapag celebrate ng matino. Pano ba naman, sanay na akong umuuwi samin sa Pangasinan pag Birthday ko. But since bago pa lang ako sa job ko hindi ako pwedeng umabsent o magleave.. Hahaha.. I wasn't expecting too much from this birthday! Walang malaking handaan o anupaman. Ang iniisip ko na lang hindi na ako tulad ng dati na pacool lamang. 20 na kasi ako eh... hehehe... I've come of age na talaga! I have really grown up. Sana mapatunayan ko na yan sa lahat!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home